Ang pagbibigay ng kahalagahan sa sariling at pambansang wika ay hindi matatawaran. Ito at itinaguyod at patuloy na isinusulong ng iba't ibang bahagi ng ating lipunan sa pangunguna ng ating pamahalaan. Ang nagkakaisang layunin ay upang sa pamamagitan ng pambansang wika, ang minimithing pagkakaisa ay makakamtam.
Ang antas ng kaalaman at kasanayan ng mga Pilipino sa pambansang wika ay nararapat na manatiling mataas, o mas higit pa sa kasalukuyan. Ito ay mangyayari lamang kung ang bawat isa sa atin ay gaganap ng tungkulin na mahubog ang mga susunod na henerasyon sa mundo ng makasaysayan at mayaman kultura ng Pilipino.
Hindi iniaalis sa mga Pilipino na hayaang lumawak ang kaalaman ng mga bata at kabataan sa mga wikang banyaga o kultura ng ibang bansa. Ngunit huwag naman na tatalikuran ang pinanggalingan tulad ng sukdulan at tahasang pagpapalimot sa wikang Pilipino.
Ating pagyamanin ang ating kaalaman at paggamit ng ating sariling wika. Manalig tayo na ang susi ng pagkakaisa ay nasa bawat isa sa atin, at sa ating katapatan na gampanan ang mga alintuntunin ng tunay na mabuting mamamayan. Isa na rito ay ang pagtataguyod ng ating Pambansang Wika, taas nuong pinagmamalaki, dito man sa ating bansa o saan mang sulok ng daigdig.
Sa araw na ito, ating pinaparangalan si Manuel Luis Quezon, pangulong tunay, nagtaguyod at nagmahal sa ating Pambansang Wika.
Mabuhay ang Pilipino !