Sunday, August 19, 2012

PATULOY NA PANANALANGIN

Ating patuloy na ipinapanalangin ang kaligtasan ng ating mga kapatid na sina Kalihim Jesse Robredo at mga kasama niya na magpahanggang ngayo'y hindi pa natatagpuan matapos na bumagsak ang eroplanong sinasakyan nila. Tayo ay umaasa na sila ay mabuting kalagayan, ligtas at malayo sa ano mang panganib. Ating hinihiling na sila'y pagkalooban ng ibayong lakas ng katawan, mas matibay na kalooban at biyaya ng buhay. Tayo ay nananalangin din para sa kanilang pamilya, at sa lahat ng bumubuo ng search and rescue operations na pinangungunahan ng ating Pangulong Aquino. Kailangan natin si Kalihim Jesse Robredo. Kailangan siya ng sambayanan. Tunay na lingkod bayan. Tapat sa tungkulin. Maasahan at walang bahid.