Saturday, January 14, 2012

PAHAYAG SA PAGLULUNSAD

Inilulunsad ng Q.C.Y.E.N.S.A. ang blogsite na ito sa pag-asang at layunin na palaganapin ang mga makukulay, makabuluhan at kapakipakinabang ng mga pamana ng dating Pangulo ng Pilipinas, walang iba, kung hindi, ang Kagalang-galang na Pangulong Manuel Luis Quezon.

Bilang pagkilala sa kaniyang malasakit at pagmamahal sa bayan, sisikapin ng blogsite na ito na lapatan ng karampatan at ipinamanang pangaral ni Pangulong Quezon ang mga kasalukuyang kaganapan sa ating bansa at ganoon na rin sa buong daignig kung nararapat.

Samantala sa paglulunsad na ito, ating hanguin ang unang pangaral ni Pangulong Quezon na napapaloob sa kaniyang iniwang Kodigo para sa mga Pilipino:


“Manampalataya sa Poong Maykapal na gumagabay sa tadhana ng mga tao at sanlibutan.”


            Labis na makabuluhan ang paalalang ito ito. Mahalaga at karapat-dapat na tandaan at isabuhay. Alam natin na ang pananampalataya, pananalig o paniniwala sa ating Panginoon ay napakahalaga sa bawat sandali o saglit ng ating buhay. Dahil dito, mahalaga na tayo ay manalangin at ang bawat kilos natin ay ialay sa Panginoon, at hari nawa’y maging kalugod lugod sa kaniya.

            Salamat sa ating Panginoon sa pagkakataong ito at hinihiling ng Q.C.Y.E.N.S.A ay sana’y patnubayan ang gawaing ito upang sa gayo’y kahit sa munting pamamaraan ay makapagbahagi ang blogsite na iyo ng karagdagang kaalaman para sa kabutihan ng lahat.